Home METRO P1M shabu nakuha sa ex-convict

P1M shabu nakuha sa ex-convict

ILOILO CITY- BALIK selda ang isang ex-convict matapos makunan ng P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation nitong Huwebes, Abril 25 sa lungsod na ito.

Ang suspek kilala sa alyas Joey, 39-anyos, at taga Barangay Bo. Obrero, La Paz, Iloilo City.

Sa pinagsamang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) ikinasa ang operasyon laban sa suspek sa nabanggit na barangay.

Nakuha sa suspek ang malaking bulto ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P1 milyon.

Ayon kay Police Captain Ryan Christ Inot, ng RPDEU, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidades ng suspek dahilan para isailalim ito sa monitoring sa loob ng isang buwan na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nabatid na nakulong ang suspek noong 2021 at nakalabas ito noong 2022 sa pamamagitan ng plea bargaining agreement sa kaparehong kaso.

Nakakulong ngayon lock-up facility ng La Paz Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico