Home METRO P1M shabu nasamsam, suspek arestado

P1M shabu nasamsam, suspek arestado

ILOILO CITY- Umabot sa P1 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isang delivery truck driver sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon sa bayan ng Pavia.

Sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Pavia Municipal Police Station Drug Enforcement Team, nadakip ang suspek na isang high-value individual na kilala sa pangalang Je, 49, delivery truck driver.

Nakuha sa suspek ang shabu na may bigat na 150 gramo at aabot sa halagang P1 milyon.

Ayon sa Iloilo Police Provincial Office, nadakip na rin ang suspek taong 2020 sa buy-bust operation subalit nakalabas ito.

Nakatanggap ng report ng mga awtoridad na muling bumalik sa dating ilegal na aktibidad ang suspek sa bayan ng Pavia at kalapit na lugar sa Iloilo City kaya isinailalim ito sa 2-linggong surveillance na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Pinuri naman ni Police Col. Bayani Razalan, hepe ng Iloilo police, ang mga operating unit sa pag-aresto sa suspek. Mary Anne Sapico