Home METRO P2.3M shabu nasabat sa Surigao City  

P2.3M shabu nasabat sa Surigao City  

BUTUAN CITY- Nasamsam ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nangkakahalaga ng P2.3 milyon sa isang buy-bust operation sa Surigao City nitong Biyernes.

Narekober mula sa 51-anyos na suspek, isang high-value individual at top priority target sa illegal drugs trade, ng 21 sachet ng shabu na may timbang na 352 gramo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Surigao del Norte Police Provincial Office ang suspek na pansamantalang hindi pinangalanan dahil habang hindi pa nahuhuli ang kanyang mga kasabwat, at ang mga nakumpiskang item para sa wastong disposisyon.

Ani PRO-13 Director Police Brig. Gen. Kirby John B. Kraft, kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articlePag-aangkat ng pork products dapat bawasan – Villar
Next articleChinese intrusion sa Benham Rise kinondena