Home NATIONWIDE Pag-aangkat ng pork products dapat bawasan – Villar

Pag-aangkat ng pork products dapat bawasan – Villar

Pinangunahan nina Senator Cynthia Villar, Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ceremonial chopping of pork lechon sa pagbubukas ng “Hog Festival' 2024 sa Quezon City noong Marso 1. Nagtakda rin ang NatFed ng Guinness Record para sa Pilipinas sa paghahain ng pinakamaraming pork dishes sa naturang okasyon. Ang Hog Festival ay magtatagal hanggang March 5. Cesar Morales

MANILA, Philippines- Natutuwa si Senator Cynthia Villar na ang link at network ng hog producers sa institutional markets tulad ng restaurant at hotel ay nagpapababa sa kanilang pag-asa sa imported na karne ng baboy.

Habang kinikilala ang pagmamahal ng Pilipino sa baboy, sinabi ni Villar na kailangan ng hog producers na magbenta sa mamimili ng magandang uri at de-kalidad na karne ng baboy.

“The love for pork of our kababayans will remain so we need to find a good source of juicy, tender pork with the ideal meat-to-fat ratio at affordable price,” sabi ni Villar sa pagbubukas ng National Federation of Hog Farmers – National Pig Day Celebration sa Quezon City nitong March 1 at matatapos sa March 5.

Nagtakda rin ang NatFed ng Guinness Record para sa pinakamaraming bilang ng pagkaing baboy na nakahain.

Ibiahagi ng chairperson ng Senate committee on agriculture na ang mga Pilipino ay kumokonsumo ng 15 kg ng karne ng baboy, 11.6 kg ng manok at 3 kg ng karne ng baka sa isang taon.

“We Pinoys love to eat meat particular pork meat. We offer a variety of pork dishes. Some of the favorite pork dishes are – Lechon, Barbecue, Adobo, Pochero, Sinigang na Baboy, Tokwa at. Baboy, Dinuguan, Binagoongan, Kadios Baboy Langka or KBL, Pork SisigBagnet, Pork Bistek at Crispy Pata, bukod sa iba pa.”

Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong Setyembre 2023, ang nangungunang limang rehiyon na may pinakamataas na volume ng produksyon ng hog sa live weight ay ang Calabarzon, Central Luzon, Northern Mindanao, Central Visayas, Davao Region at Zamboanga Peninsula.

“At humigit-kumulang 67.5 porsiyento ng populasyon ng baboy sa bansa ay nagmula sa mga small hold farms, habang ang natitirang 29.2 porsiyento at 3.3 porsiyento ay mula sa commercial at semi-commercial farms, ayon sa pagkakabanggit,” dagdag ng senador.

Gayunpaman, ikinalungkot ni Villar na hindi naligtas ang bansa sa mga hamon na kinahaharap ng industriya ng baboy tulad ng African Swine Flu (ASF).

Ang sektor ng baboy ay nakapagtala ng P200 bilyon na pagkalugi mula nang maitala ang mga kaso ng ASF noong 2019.

Sinabi ng Bureau of Animal Industry noong Nobyembre 2023 na 11 probinsya na lamang sa 82 ang nananatiling ASF free. Ang mga ito ay Batanes, Occidental Mindoro, Palawan, Bohol, Siquijor, Biliran, Bukidnon, Basilan, Lanao del Sur, Sulu at Tawi-Tawi.

Bagama’t walang naaprubahang bakuna sa ASF, sinabi ni Villar na “we can only rely on our good animal husbandry practices in preventing disease and disease-causing agents to spread for our hog farmers to earn, attain their maximum farm yield, protect the consumer food supply by making available clean and safe hogs for slaughter.”

Sa pag-unlad nito, muli siyang nanawagan na itigil ang smuggling ng agrikultura upang protektahan ang ating mga lokal na prodyuser ng baboy. Hinihiling niya sa kapwa kapulungan ng Kongreso na tapusin ang bicameral conference sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Bill.

Gayundin, hinimok niya ang Kongreso na ipasa ang Livestock Poultry and Dairy Bill at ang Corn Bill sa lalong madaling panahon upang tustusan ang pagpapalakas ng mga industriya mula sa mga taripa na kinokolekta sa mga imported na produktong hayop at feed. Ernie Reyes

Previous articleKontrata sa pest control, cleaning firms rerebyuhin ng MIAA
Next articleP2.3M shabu nasabat sa Surigao City