Home METRO P2.7M shabu nasabat sa Sultan Kudarat

P2.7M shabu nasabat sa Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT- Umabot sa P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation laban sa drug dealer noong Lunes sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Kinilala ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, direktor ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang nadakip na suspek na si Jobert Balleque Paches, ng Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Batay sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, hapon noong Lunes ay inilatag ang operasyon laban sa suspek na nagresulta sa pagkakadakip nito.

Nakuha sa suspek ang 400 gramo ng shabu na aabot sa halagang P2.7 milyon, cellphone at puting minivan na may plakang MAT 9729 na pinaniniwalaang ginagamit nito sa kanyang ilegal an transaksyon.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico