Home ENTERTAINMENT Post ni Vivian, pasaring kay FL?

Post ni Vivian, pasaring kay FL?

Manila, Philippines – Idinaan sa blind item ang nakakaintrigang post ni Vivian Velez sa Facebook nitong nagdaang araw.

Nag-flex ng kanyang larawan ang dating Miss Body Beautiful nang naka-shades.

Caption niya: “Dapat ganito ang itsura mo pag sinabi mong ‘Bring it on!’, hindi ‘yung mukha kang palaka!”

Malinaw na hindi niya pinangalanan for whom her FB post was intended, pero klaro na merong pinatutungkulan ang dating aktres.

Sa comment section ay napagtagni-tagni ng mga netizens na ang post na ‘yon ni Vivian ay para kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ibinase kasi nila ito sa pamilyar na linyang “Bring it on!”

Ginamit ng mga netizens na basis ang panayam ni Ka Tunying (Anthony Taberna) sa Unang Ginang.

Tinanong kasi ng brodkaster kung ano ang masasabi ng Mrs. Marcos sa kanyang mga detractors partikular na ang pamilya Duterte.

In her words, ani First Lady, sa tuwing binabakbakan daw sila ng kanilang mga detractors: “They become uglier and uglier!”

Ang sumunod na linya ng Unang Ginang ay “Bring it on!” na bahagi ng recent post ni Vivian.

Matatandaang noong 2022 presidential elections ay si Isko Moreno ang minanok ni Vivian.

Ang nanalong VP naman na si Sarah

Duterte ang sinuportahan ni Vivian.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon ang Unang Ginang sa FB post ni Vivian.

Samantala, nilinaw naman ng VP na hindi bahagi ng kanyang trabaho ang isyu sa pagitan nila ng First Lady. Ronnie Carrasco III