Home METRO Residential area sa Fort Bonifacio nasunog

Residential area sa Fort Bonifacio nasunog

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City nitong Martes ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Itinaas ang sunog sa Gate 3, Zone 3, sa first alarm ng alas-10:57 ng umaga.

Agad itong itinaas asa second alarm pagsapit ng alas-11:06 ng umaga.

Muli naman itong iniakyat ng BFP sa third alarm makalipas ang limang minuto.

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa ng karagdagang impormasyon hinggil sa insidente. RNT/SA