MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude-4.5 na lindol sa katubigan ng bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa initial bulletin, sinabi ng Phivolcs na naganap ang tectonic tremor ng alas-7:21 ng umaga, halos 46 kilometers (km) southwest ng Hinatuan. May depth of focus ang lindol na 13 km.
Base sa Phivolcs, ang pagyanig ay aftershock sa 7.4 magnitude temblor na tumama sa Hinatuan noong December 2, 2023.
Nakapagtala ang lindol ng Instrumental Intensity II sa Bislig City, Surigao del Sur, at Instrumental Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro. RNT/SA