TAMA lang na malinawan ng publiko lalo ang mga mamamayan ng Caloocan City sa napaulat na pagbaril at pagpatay ng isang lasing na motorcycle rider sa dalawang tao kabilang ang isang nurse na parehong nagmagandang-loob na tulungan ang suspek nang ito ay sumemplang dahil sa kalasingan kamakailan.
Mismong si Caloocan City Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang nagbigay-linaw sa mga mamamahayag na ang suspek ay hindi nagmayabang na umano’y malapit sa isang pulitiko bago nito pinaputukan hanggang sa mamatay ang dalawang kaawa-awang biktima.
linaw na walang binabanggit na pulitiko mismo sa Caloocan ang suspek na napaunang nagsabi na malapit siya raw sa mga pulitiko sa Makati.”
Lumalabas ang suspek ay isang detachment commander ng security force sa Makati Homeville sa Calauan, Laguna, ani Col. Lacuesta.
Malinaw na para sa kaalaman ng mga batang Kankaloo, walang aide ng pulitiko ng lungsod na sangkot sa kalokohan lalo sa naganap na murder.
Navotas congressman OK sa wage review
Inayunan ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na rebisuhin muna ang minimum wage rates sa bawat rehiyon.
”This crucial move underscores our commitment to ensuring that our workers can afford basic necessities and live decent lives amidst the challenging economic landscape,” ani Tiangco.
“As we navigate through the repercussions of inflation and escalating living costs, it becomes vital to reassess our wage rates in consideration of the needs of our constituents,” dagdag pa nito.
Sabi pa ng mambabatas, tama at ‘timely’ ang ginawang hakbang ng Pangulo sa pagrerebisa ng wage rates upang maayos na maipatupad ito at maging balanse para sa mga manggagawa at sa mga employer na rin.