TABACO CITY- Iniulat ng Bicol police na nadakip ng kanilang mga operatiba ang isang high-value drug suspect na nakuhanan ng shabu (crystal meth) na nagkakahalaga ng P2.7 milyong nitong Sabado, sa bayan ng Baao sa lalawigan ng Camarines Sur.
Nahuli ang suspek na kinilalang si “Edward,” sa isang buy-bust operation ng alas-2:15 ng hapon sa Zone 3 sa Barangay San Juan.
Narekober sa kanya ang 405 gramo ng hinihinalang shabu na inilagay sa loob ng limang heat-sealed transparent plastic sachets at dalawang knot-tied transparent plastic sachets.
Isinailalim ang suspek sa kustodiya ng mga pulis at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA