MANILA, Philippines- Pinarangalan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang ilang miyembro ng media ngayong araw ng Lunes, Marso 17, 2025 sa MPD headquarters sa UN Avenue sa Ermita, Maynila.
Ito ay bilang pagkilala na rin sa magandang ugnayan ng kapulisan ng MPD at ng mga media na nagkokober ng mga kaganapan sa lungsod.
Ang aktibidad ay isinagawa sa flag raising ceremony at mismong si MPD Director P/Brig.Gen. Arnold Thomas Ibay ang nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga miyembro ng media ng MPD-Press Corps.
Ilan sa mga binigyan ng pagkilala ay mga photojournalist at opisyal ng nasabing organisasyon kabilang sina Jonjon Reyes ng Peoples Journal Tonight (Presidente); Edd Gumban ng Philippine Star (Bise Presidente); Mike Alquinro ng Manila Times (Secretary); Jonas Sulit ng Abante (COB); Norman Araga ng Manila Standard (Director; Itoh Son ng Saksi Ngayon (Director) at Yancy Lim ng Philippine News Agency o PNA (Director).
Kabilang din sa binigyang pagkilala ang mga reporter at opisyal din ng MPD Press Corps ay sina Jocelyn Tabangcura-Domenden ng REMATE (Auditor); Mike Rogas ng Radyo Pilipinas (Director) at Emman Mortega II ng DZXL News (Director). Jocelyn Tabangcura-Domenden