Home NATIONWIDE P2-M puslit na sibuyas nasawata ng DA

P2-M puslit na sibuyas nasawata ng DA

MANILA, Philippines – Nahuli ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang 25 metriko toneladang smuggled na pulang sibuyas mula China sa Mindanao International Container Terminal sa Misamis Oriental.

Inilahad na frozen goods ang kargamento ngunit natuklasang sariwang pulang sibuyas ang laman nito na hindi nakalista sa manifest.

Tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon ang mga sibuyas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na walang inilabas na import permit para sa sibuyas na ito at ipagpapatuloy nila ang legal na aksyon sa ilalim ng bagong Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na may mas mabigat na parusa para sa smuggling. Santi Celario