MANILA, Philippines – Wagi ang isang solong mananaya ng jackpot mula sa Megalotto 6/45 na nagkakahalaga ng P20.5 milyon sa draw nitong Lunes, Agosto 25.
Nahulaan nito ang winning numbers na 40-05-16-03-20-27 para sa jackpot na P20,523,660.60.
Samantala, wala namang nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 na P95,530,852.40, sa winning combination na 11-17-38-01-07-49. RNT/JGC