Home NATIONWIDE P20 bigas for sale, imbes ipamigay sa mga dinelubyo, dinepensahan ng Malakanyang

P20 bigas for sale, imbes ipamigay sa mga dinelubyo, dinepensahan ng Malakanyang

336
0

MANILA, Philippines – Dinepensahan ng Malacañang ang National Food Authority (NFA) matapos itong batikusin sa social media dahil sa pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa mga lugar na tinamaan ng bagyo at lindol, sa halip na ipamigay ito nang libre.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ipinagbabawal ng batas sa NFA ang pamimigay ng bigas nang walang bayad.

“Ang mandato po ng NFA ay magbenta, hindi po sila puwedeng mamigay – bawal po iyan sa batas,” paliwanag ni Castro sa press briefing sa Palasyo.

Dagdag pa niya, ang mga ahensiyang tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang may tungkuling magbigay ng tulong at ayuda sa mga biktima ng kalamidad.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na naglabas ang Office of the President ng ₱158.3 milyon bilang cash assistance para sa mga lokal na pamahalaan sa Davao Oriental, na sinalanta ng magkasunod na lindol noong nakaraang linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here