Home HOME BANNER STORY PH ships hinarangan ng Tsina sa WPS

PH ships hinarangan ng Tsina sa WPS

355
0

MANILA, Philippines – Nagpakita ng mapanganib na pagharang at maniobra ang mga barko ng China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy (PLAN) laban sa mga barko ng Pilipinas sa gitna ng pamamahagi ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa Bajo de Masinloc at Escoda Shoal, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, sinalubong ng 11 barko ng China Coast Guard, 11 Chinese militia vessels, isang helicopter, at tatlong warship ang mga barkong BRP Teresa Magbanua, BRP Cape San Agustin, at anim na BFAR patrol boats na nagsasagawa ng operasyon.

Sa Escoda Shoal, humarang din ang 10 CCG ships, 10 militia vessels, at ilang PLAN assets, at gumamit pa ng water cannon upang takutin ang mga mangingisdang Pilipino.

Sa kabila nito, matagumpay na natapos ng PCG at BFAR ang “Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” mission, na naghatid ng 120,000 litro ng langis, mahigit 600 grocery packs, at bumili ng 30 toneladang huling isda mula sa mga lokal na mangingisda.

Giit ni Tarriela, ito ang unang pagkakataon na sinabi ng CCG na sinisira umano ng mga Pilipinong bangka ang kanilang “environmental reserve,” bagay na agad pinabulaanan ng PCG.
“Ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng arkipelago ng Pilipinas at tanging pamahalaan ng Pilipinas ang may karapatang magtakda ng mga protektadong lugar dito,” ani Tarriela.

Binigyang-diin ni PCG Commandant Admiral Ronniel Gil Gavan na ipagpapatuloy ng coast guard ang pagprotekta sa mga mangingisda.
“We stand firmly with President Ferdinand Marcos Jr. in defending every square inch of our sovereign territory,” aniya.

Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea habang tinatanggihan pa rin ng Tsina ang 2016 Hague ruling na nagpawalang-bisa sa kanilang malawak na pag-aangkin sa South China Sea. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here