MANILA, Philippines – Suspendido pa rin ang mga klase sa ilang lugar sa bansa sa Miyerkules, Oktubre 15, 2025, dahil sa epekto ng mga nagdaang lindol at pagtaas ng mga kaso ng flu-like illnesses.
Region IV-A (CALABARZON):
Alitagtag, Batangas – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas; modular learning.
Lalawigan ng Laguna – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, hanggang Oktubre 31.
Lalawigan ng Rizal – Walang face-to-face classes, lahat ng antas hanggang Oktubre 17; modular learning.
Region X (Northern Mindanao):
Gingoog, Misamis Oriental – Walang face-to-face classes, pampubliko at pribado; suspendido hanggang sa susunod na abiso.
Region XI (Davao Region):
Davao Oriental – Walang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan; suspendido hanggang sa susunod na abiso.
Mabini, Mawab, Monkayo, Montevista, at Nabunturan, Davao de Oro – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas; ilang paaralan ay gagamit ng asynchronous learning.
Paaralan:
University of Santo Tomas (UST) – Suspendido ang lahat ng klase at opisina hanggang Oktubre 16 para sa dalawang araw na health-break.
“The University will observe a two-day Health Break from October 15–16, 2025. During this period, there will be no classes in all levels and office work in the University,” ayon sa memorandum.
Nauna nang naglabas ang UST ng Health Advisory on Influenza and Influenza-like Illnesses (ILI) bilang pag-iingat sa pagtaas ng kaso ng trangkaso sa Metro Manila.
Pinayuhan ang mga Tomasino na magsuot ng face mask kung may sintomas, panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran, at magpabakuna laban sa flu.
Hinikayat ng mga awtoridad ang pagpapatuloy ng alternative learning modes habang isinasagawa ang kalusugan at kaligtasang inspeksiyon sa mga paaralan. RNT