MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na ang bigas na P20 kada kilo sa mga Kadiwa center ay dekalidad at ligtas kainin.
Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, ito ay well-milled rice mula sa National Food Authority (NFA) at dating ibinebenta sa halagang P29.
“Maganda po ‘yung quality ng ating bigas. Kung ano po ‘yung nabibili natin previously dito sa ating P29 na bigas, ayun din po ‘yung binebenta natin ng P20,” ani Velicaria-Guevarra.
Dumadaan umano ito sa quality check ng NFA bago ilabas.
Para ito sa mga kabilang sa vulnerable sector, kung saan pinapayagang bumili ng hanggang 30 kilo kada buwan.
Makukuha na ito sa 32 Kadiwa stores sa Metro Manila, Rizal, at Cebu, at palalawigin pa sa iba pang probinsya.
May hamon man sa logistics, tiniyak ng DA na sapat ang suplay mula sa buffer stock ng NFA. Santi Celario