Home NATIONWIDE P20/kg rice initiative inaasahan ni PBBM na mapapanatili sa tulong ng mga...

P20/kg rice initiative inaasahan ni PBBM na mapapanatili sa tulong ng mga LGU

MANILA, Philippines -UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapananatili nito ang P20 per kilogram rice program sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” nang walang kontribusyon mula sa local government units (LGUs).

“Let’s go further. Ang nangyari kasi ngayon we are in partnership with the LGUs. Eventually, I’m looking at a proposal na next year wala ng contribution ang LGU. Ang contribution lahat sa will go to the national government,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabagong podcast na in-ere araw ng Miyerkules.

HIndi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na sanib-puwersa ang gobyerno at LGUs para panatilihin at palawakin ang BBM Na Program.

Sa ngayon, nagkakaloob ang gobyerno ng rice supply na sapat para sa 51% ng populasyon ng bansa.

Kumpiyansa ang Pangulo na mapapataas o madaragdagan pa ang bilang ng mga filipino na maaaring bumili ng murang bigas.

“That’s for now and hopefully we will bring it up, up to the point that bigas for all. It will all be PHP20,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“So, our production is slowly going up. Since our production is already going up, bababa ang cost of production … That’s why I’m so confident masabi na it’s sustainable,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Marcos na magkakaloob ng makinarya para sa mga magsasaka at paghuhusayin ang irigasyon, sa pagsisikap na palakasin ang rice production.

“’Pag ka gumanda na ang production side natin, maibababa natin. Wala ng subsidy,” ayon sa Chief Executive. Kris Jose