Home METRO P21M ismagel na sigarilyo, nasabat

P21M ismagel na sigarilyo, nasabat

GENERAL SANTOS CITY -NASABAT ng mga awtoridad ang P21 milyon halaga ng ismagel na sigarilyo matapos maharang ang isang fishing boat sakay ang 16 na crew sa baybaying dagat na sakop ng lungsod na ito.

Base sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office-12 at Philippine Navy (PN), naharang nila sa Sarangani Bay ang isang kahina-hinalang fishing boat na may pangalan na Blady Weeya galing sa Kahikukuk, Tongkil, Sulu.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad tumambad sa kanilang harapan ang 1,075 master cases na R & B brand na sigarilyo na may estimated market value P21 milyon at kinumpiska din ang fishing boat na ginamit na may estimated market na P1.7 milyon.

Hiningan ng mga kaukulang papeles ang 16 na crew na subalit bigo silang maipakita at ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 1401 of RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ituturn-over naman sa Bureau of Customs (BoC) ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Mary Anne Sapico

Previous articleHalos 13K PDLs napalaya sa Marcos administration
Next articleAtas ni PBBM sa bagong PNP chief: Terorismo, cybercrime tugunan agad!