Home NATIONWIDE Halos 13K PDLs napalaya sa Marcos administration

Halos 13K PDLs napalaya sa Marcos administration

MANILA, Philippines – Nasa 783 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya nitong Marso kaya umaabot na sa 12,836 ang kabuuang bilang ng mga napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang bilang na 783 na pinalaya nitong natapos na buwan ay mas mataas kumpara sa 706 na pinalaya nitong Pebrero mula sa iba’t ibang prisons at penal farms.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., 132 dito ay napawalang sala, apat ang nakapagpiyansa, dalawa ang nabigyan ng conditional pardon, 528 ang nagpaso na ang kanilang maximum sentence, 20 ang nabigyan ng probation at 97 ang binigyan ng parole.

Auon sa BuCor, karamihan sa 783 PDLs na pinalaya ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) maximum Security compound.

Nasa 146 ay mula sa NBP Maximum Security Compound, 99 sa NBP Medium Security Compound, 96 sa Davao Prison and Penal Farm, 65 sa Correctional Institution for Women, 65 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 55 sa San Ramon Prison and Penal Farm, 48 sa Sablayan Prison and Penal Farm, 44 sa Leyte Regional Prison at 16 mula sa NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC).

Samantala, may 500 inmates mula NBP ang inilipat nitong linggo sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City bilang bahagi ng decongestion program ng BuCor.

Bukod sa layunin na mabawasan ang mga preso sa NBP, inilipat ang mga ito para makatulong sa agricultural programs ng SRPPF. Teresa Tavares

Previous articlePolice car, kotse nagsalpukan sa Maynila
Next articleP21M ismagel na sigarilyo, nasabat