Home METRO P22.6M droga nasabat sa 4 bigtime tulak!

P22.6M droga nasabat sa 4 bigtime tulak!

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga ahente ng pulisya ang hinihinalang shabu na tinatayang nasa P22.6 milyon ang street value mula sa apat na high-value drug suspect sa mga buy-bust sa Pasay City at lalawigan ng Iloilo nitong Huwebes, Marso 7.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., dalawang suspek ang naaresto sa Celeridad Street, Barangay 111, Pasay City noong Huwebes ng gabi ng Southern Police District Drug Enforcement Unit.

Sinabi ni Nartatez na parehong nakalista ang mga suspek bilang high-value individuals (HVI) sa drug watchlist.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 1.830 kg. ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P12.4 milyon, buy-bust money, at mga mobile phone, at iba pa.

Sinabi ni Police Regional Office 6 (Western Visayas) Director Brig. Gen. Jack Wanky ang pagkakaaresto kina alyas Pada, 31 at alyas Ceasar, 49, kapwa HVI, sa isang buy-bust sa Duran Street, Barangay Sto. Rosario, Iloilo City nitong Huwebes ng hapon.

Nakuha mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na humigit-kumulang 1,500 gramo na nagkakahalaga ng PHP10.2 milyon, buy-bust money, dalawang mobile phone, at isang motorsiklo.

Kakasuhan ang apat ng paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to Section 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

Previous articleSaranggola bumalandra; helikopter nag-emergency landing
Next article3 menor patay sa bangaan ng motor!