Home METRO 3 menor patay sa bangaan ng motor!

3 menor patay sa bangaan ng motor!

BASILAN – Patay ang tatlong menor de edad sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Isabela City.

Base sa ulat, nasa 14 hanggang 16 anyos ang edad ng mga nasawing biktima, habang may isa pang malubhang nasugatan na ginagamot pa rin sa ospital.

Ang mga nasawing menor de edad ay napag-alaman ding walang suot na helmet nang mangyari ang banggaan sinasakyan nilang motorsiklo at isa pang motor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na parehong mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo nang magkasalpukan sa national road sa Barangay Sumagdang nitong Miyerkules ng hapon. RNT

Previous articleP22.6M droga nasabat sa 4 bigtime tulak!
Next articleSC sa PLDT: 7K contractual employees i-regular