Home METRO P23M pinatuyong marijuana bricks nasamsam sa Kalinga

P23M pinatuyong marijuana bricks nasamsam sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga- Nasabat ng mga pulis ang dried marijuana bricks na nagkakahalaga ng mahigit P23 milyon mula sa tatlong hinihinalang  drug couriers sa interdiction operation sa Purok 5, Barangay Bulanao, sa lungsod na ito nitong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na mga bagong drug personalities na sina Paul Andrei Galvez, 29, ng Malolos City, Bulacan; Kennedy Mensah, 21, ng Guiguinto, Bulacan sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga, at Francis Baydon, 25, ng Buscalan.

Inilahad ni Police Regional Office-Cordillera chief Police Brig. Gen. David Peredo Jr. na agad silang nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa police unit na isang sasakyan ang mga kargang marijuana bricks mula sa Tinglayan na may kasamang dalawang motorsiklo.

“The three suspects were arrested through an interdiction conducted by police personnel from different units in the province with the agents from Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga to ensure the targets will not leave the city with the contraband,” ani Police Capt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga police. 

Narekober mula sa mga suspek ang 192 dried marijuana bricks na nakabalot sa transparent plastic na may timbang na tig-iisang kilo o kabuuang 192 kilos na may standard drug price na P23 milyon, isang Haima multi-purpose vehicle, dalawang itim na motorsiklo, at isang maliit na transparent cellophane na naglalaman ng pulverized at powdered dried marijuana leaves na may bigat na humigit-kumulang limang gramo na nagkakahalaga ng P600. 

“The three suspects will be facing charges for violation of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, specifically the provision on the illegal transport of prohibited drugs,” ayon kay Police Col. Gilbert A. Fati-ig, Kalinga police director. RNT/SA