MANILA, Philippines- Winasak ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang P24 milyong halaga ng tanim na marijuana sa single-day eradication operations sa lalawigan ng Kalinga.
Sinabi ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta nitong Lunes na binunot ng mga awtoridad ang 120,000 piraso ng fully grown marijuana plants sa Barangay Buscalan at Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan mula Linggo ng hapon hanggang lampas hatinggabi ng Lunes.
Walang naaresto sa nasabing operasyon.
Pinuri naman ni Matta ang mga operatiba para sa patuloy na paglaban sa illegal drugs.
Kasunod ang operasyon ng naunang pagwasak ng 137,500 piraso ng fully grown marijuana plants sa Loccong, na may tinatayang standard price na P27.5 milyon. RNT/SA