Home METRO P25.2M tobats sa loob ng 2 parcel, nasabat ng IADITG

P25.2M tobats sa loob ng 2 parcel, nasabat ng IADITG

114
0

MANILA, Philippines – Dalawang inbound parcel na naglalaman ng mahigit P25-milyon halaga ng shabu ang nadiskubre at kinumpiska ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) Biyernes ng hapon, Marso 27.

Sa inisyal na report ng IADITG ay napag-alaman na dakong ala 1:30 ng hapon nang madiskubre sa isinagawang interdiction operation ang ilegal na droga na nakapaloob sa dalawang inbound parcel sa CMEC, Domestic Road, Pasay City.

Sa unang inbound parcel na idineklarang mga “Medical Equipment” na ipinadala ng isang Juliet Calapre ng 1102-7730 Kipling Ave., Woodbridge ON L4L 1Y9, Canada na naka-consign kay Syrill V. Calapre ng Blk 34 Lot 11, PH 3 Carissa Homes Bagtas, Tanza, Cavite 41086, ay naglalaman ng isang foot massager kung saan nakalagay ang tatlong itim na selyadong transparent vacuum pouches na pinaglagyan ng 1,041 gramo ng hinihinalang shabu.

Sa binuksan naman na ikalawang inbound parcel na idineklarang mga “Jackets” ay ipinadala ni Muhammad Amjad ng Moh Pathan Colony, Post Office Central Jail City, Haripur State K-P-K 22620, Pakistan T9231914999906 para sa isang Jen Jen Morait ng Barangay Gregorio, Trece Martires, Segel Subdivision, Blk 3 Lot 16, Zip code 4109 Philippines.

Ang ikalawang parcel ay naglalaman naman ng isang kulay puti na sako kung saan nakapaloob ang anim na motorcycle jackets na ang bawat isa ay may tig walong transparent plastic bags ng shabu na may timbang na 2,674 gramo.

Sa kabuuan ay nakakumpiska ang mga operatiba ng 3,715 gramo o katumbas ng mahigit tatlong kilong shabu na nagkakahalaga ng P25,262,000.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap ang mga nasasangkot na indibidwal sa paglabag ng Section 4 Art. Il ng RA 9165 sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang IADITG ay binubuo ng mga operatiba na pinangungunahan ng PDEA RO NCR kabilang ang Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Forsace (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). (James I. Catapusan/mga larawan ni Jimmy Hao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here