Home METRO P25M crematorium itatayo sa Manila South Cemetery – Mayor Lacuna

P25M crematorium itatayo sa Manila South Cemetery – Mayor Lacuna

162
0

MANILA, Philippines- Ibinahagi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na magkakaroon na ng sariling crematorium ang Manila South Cemetery.

Inihayag ito ni Lacuna kasabay ng isinagawa pag-iinspeksyon sa Manila South Cemetery nitong Lunes ng hapon, Oktubre 28, upang suriin ang paghahanda para sa taunang pagdiriwang ng pagpupugay sa mga mahal na yumao kasabay ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.

Ayon kay Lacuna, ang itatayong crematorium sa nasabing kampo santo ay matapos aprubahan ng lungsod ang P24.8 milyon na panukala ng nanalong bidder, ang Chainworks Corporation king saan nabid-out ang crematorium project noong Agosto 30.

“The crematorium is one of our high-impact, pro-poor infrastructure projects implemented by the Manila Health Department. The cemetery and related services are under the purview of the MHD. The need for a public crematorium in Manila is one of the lessons learned from the COVID pandemic because we saw that the poor of Manila needed an affordable crematorium,” paliwanag ng alkalde.

“In the 2024 city budget, P33.475 million is the allocation for cemetery services and P7.76 million of that is for maintenance and other operating services and P25.7 million is for personnel salaries, wages, and benefits,” dagdag pa ni Mayor Lacuna.

Idinagdag pa ng alkalde na ang Manila South Cemetery ay mayroong 2,400 square meter na sementeryo para sa mga Muslim.

Napag-alaman na ito na ang ikalawang crematorium na pag-aari ng lokal na pamahalaang lungsod kung saan ang nauna ay itinayo sa Manila North Cemetery.

Ayon sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang lungsod na si Atty. Princess Abante, madami umano ang nais makinabang ng crematorium sa North kaya’t mas mainam umano na may isa pa na magamit.

“Yung sa north (North Cemetery) yan po yung nagagamit ngayon na crematorium, pero sobrang dami din talaga ang nag-aavail kaya mainam na may isa pa. Lalo na alam ko sobrang matagal na yung sa north,” paliwanag ni Atty. Princess. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here