Home NATIONWIDE P25M illegal vapes nasamsam mula Enero hanggang Mayo

P25M illegal vapes nasamsam mula Enero hanggang Mayo

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng pamahalaan ang mahigit P25 milyong halaga ng illegal vape products sa unang limang buwn ng taon, iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Sabado, Hunyo 1.

Nasamsam ng DTI ang nasa P25,874,175 halaga ng illegal vape products, lampas sa kabuuang halaga ng mga nasamsam na vape products sa buong taon ng 2023 na P5,453,852.

Itinuturong dahilan ni Trade Secretary Alfredo Pascual para rito ang pinaigting na pagpapatupad ng Republic Act (RA) 11900, o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, o kilala bilang Vape law.

Karamihan sa mga nakumpiskang vape products ay lumabag sa Rule 6, Section 1(j), na nagbabawal sa pagbibenta ng vape products na “packaged, labeled, presented, and marketed with flavor descriptors or cartoon characters that appeal to minors.”

“Nearly halfway through the year, the significant rise in confiscated illegal vapes demonstrates our unwavering commitment to safeguard Filipino consumers, especially our youth. These results showcase our intensified efforts and we will not stop here,” saad sa pahayag ni Pascual.

“We will continue to pursue these illegal activities, working closely with other agencies and stakeholders. Our aim is nothing less than the complete eradication of the illegal vape trade, fostering a healthier environment for Filipino businesses and consumers.”

Kabilang sa mga nakumpiskang brand ay 2,428 units ng RELX na nagkakahalaga ng P534,190, at 158 units ng Waka by RELX na nagkakahalaga ng P35,440.

Noong Marso ,sinuspinde ng DTI ang pagbibenta at distribusyon ng vape brand na Flava dahil sa paulit-ulit na paglabag sa RA 11900.

Dagdag pa, sa joint operation kasama ang Philippine National Police noong Abril, nadiskubre ang P24.8 milyong halaga ng illegal Flava vapes sa establisyimento na 20 metro lamang ang layo mula sa isang paaralan sa Paranaque City.

Ipinunto ng DTI na malinaw itong paglabag sa batas na nagbabawal sa pagbibenta ng vape sa 100 metro lugar kung saan madalas na may mga menor de edad katulad ng mga paaralan.

“With the launch of Task Force Kalasag this year, we are intensifying consumer protection efforts nationwide. This crackdown on violations of the Vape Law and fair-trade laws and regulations assures the public of the DTI’s commitment to a safe and fair marketplace,” ani Pascual.

Mula nang ipatupad ang Vape Law noong 2022, nakakumpiska na ang DTI ng 67,010 vape units na nagkakahalaga ng P31,328,027.

Hinimok ng DTI ang publiko na isumbong sa kanila ang anumang illegal na pagbibenta, manufacturing at distribusyon ng ipinagbabawal na vape products sa pamamagitan ng podrs.gov.ph o sa pamamagitan ng [email protected]. RNT/JGC