Home METRO 2 sundalo sugatan sa sagupaan sa NPA

2 sundalo sugatan sa sagupaan sa NPA

MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawang sundalo sa sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at New People’s Army sa Balbalan, Kalinga nitong Biyernes, Mayo 31.

Ayon sa militar, nangyari ang engkwentro sa Barangay Balbalan Proper at Balantoy.

Sinabi ni Army Major Rigor Pamittan, 5th Infantry Division spokesperson and public affairs chief, kinilala ang mga sugatan na sina Corporal Jonard Addatu at Private First Class Rojemar Cuyen, kapwa mula sa 98th Infantry Battalion na nakabase sa Kalinga.

Kabilang sa nakasagupa ng mga rebelde ang mga sundalo sa ilalim ng 103rd Infantry Battalion at 98th Infantry Battalion, kapwa mula sa 5th Infantry Division 503rd Infantry Brigade.

Ang 10 rebelde mula sa New People’s Army ay nasa ilalim naman ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) Baggas.

Nakuha mula sa Balbalan Proper clash site ang M14 Armalite rifle, Springfield rifle, assorted guns, dalawang improvised explosive devices (IED), blasting devices, at personal belongings.

Samantala, nakuha naman sa ikalawang encounter site ang M16 Armalite rifle, backpack, IED, blasting caps, mga gamot, anti-government documents, at personal items. RNT/JGC