Home HOME BANNER STORY P265M pondo laan sa mga biktima ng baha, landslide sa Davao

P265M pondo laan sa mga biktima ng baha, landslide sa Davao

MANILA, Philippines – NAGPALABAS ang Office of the President (OP) ng P265 million para tulungan ang mga apektado ng pagbaha at landslides na tumama sa Davao region.

“From the reports that we have had, I think that we are doing all right in the food— the provision of food packs, etc. But as the Secretary (Rex Gatchalian) was explaining, it gets to the point na hindi lang pagkain ang kailangan ng tao. They need to buy other things para sa kanilang household,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawang situation briefing sa Davao City, araw ng Miyerkules, Pebrero 7.

“That’s why the ECTs (emergency cash transfer) have become very important and that’s why I released P265 million to make sure that the pace of the response is immediate at maramdaman kaagad ng tao, meron kaagad silang tulong. Maramdaman nila kaagad na meron silang gagamitin sa pangangailangan nila,” dagdag na wika nito.

Sinasabing tumaas sa 21 ang bilang ng mga taong nasawi dahil sa pagbaha at landslides sa Davao Region, ayon naman sa provincial disaster risk reduction and management offices (PDRRMOs), araw ng Martes.

Sinabi naman ng Davao de Oro PDRRMO na 13 katao ang namatay habang 9 na katao naman ang sugatan sa lalawigan.

Sa 13 nasawi, tig-4 mula sa New Bataan at Marasugan, tig-2 naman sa Pantukan at Monkayo, habang isa naman sa Maco.

Ang bilang ng mga indibiduwal na apektado ng Northeast Monsoon at ng tuloy-tuloy na low pressure area ay umabot sa mahigit isang milyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Kris Jose

Previous articlePamamahagi ng tulong-pinansyal sa Pampanga, Bulacan pinangunahan ni Imee Marcos
Next articleMag-asawa patay, anak kritikal sa maingay na kapitbahay