Home NATIONWIDE P289B naipamahagi ng GSIS sa multi-purpose loan programs

P289B naipamahagi ng GSIS sa multi-purpose loan programs

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Sabado, Enero 11 na nakapamahagi ito ng P289 bilyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) programs nito, na nagbigay ng financial support sa mahigit 1.2 milyong empleyado ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa pahayag, sinabi ng GSIS na nakapagbigay ito ng P282 bilyon sa 1,049,246 miyembro sa ilalim ng MPL Flex program mula nang ilunsad ito noong Setyembre.

Ang halaga ng disbursements para sa MPL flex ay lumago ng 35.5% mula sa P208.17 bilyon sa unang taon ng implementasyon nito.

Pinagsasama ng MPL Flex ang lahat ng existing loans ng mga miyembro, maliban sa housing loan.

Nagbibigay din ito ng karagdagang pondo sa mga miyembro sa anumang paggagamitan.

Mayroon namang P7.2 bilyon ang naipamahagi sa 197,675 miyembro sa ilalim ng MPL Lite.

Ang MPL Lite ay isang short-term loan program na tutugon sa pangangailangan ng mga aktibong miyembro ng GSIS. RNT/JGC