Home HOME BANNER STORY P29 wage hike sa Davao workers aprub sa wage board

P29 wage hike sa Davao workers aprub sa wage board

MANILA, Philippines – Nakatakdang makatanggap ng P29 dagdag sa arawang sahod ang mga private sector worker sa Davao region.

Ito ay kasunod ng pag-iisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-Davao (RTWPB-11) ng kautusan na nagbibigay ng dagdag na P29 sa arawang sahod ng non-agriculture at agriculture sector.

Ang daily minimum wage rate sa mga manggagawa sa
non-agriculture sector ay magiging P510 mula sa P481.

Magiging P505 naman ang arawang sahod ng nasa agriculture sector mula sa P476.

Sinabi ng RTWPB-11 na ang wage order ay iiral sa Marso 7, 2025. RNT/JGC