MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) noong Biyernes, Pebrero 21, na mayroong mahigit 43,000 dengue cases na naitala sa buong bansa hanggang noong Pebrero 15.
Ayon sa DOH, ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue mula Enero hanggang Pebrero 15, 2025 bago pa man ang panahon ng tag-ulan ay umabot na sa 43,732.
Sinabi ng DOH na ito ay 56% na pagtaas mula sa 27,995 kaso na naitala sa parehong paanhon noong nakaraang taon.
Gayunman, naobserbahan ang limang porsyentong pagbagal ng trend ng mga kaso sa nakalipas na apat na linggo.
“The number of cases from January 5 to 18, 2025, recorded to be 15,904, declined by 5% to 15,134 from January 19 to February 15, 2025,” ayon sa DOH.
Bukod dito, ang case fatality rate ay bumaba mula 0.42 percent noong nakaraang taon sa 0.38 percent ngayong taon.
Sinabi rin ng DOH na ang mataas na bilang ay karamihang natuklasan sa tatlong rehiyon na nagdala sa higit sa kalahating kaso sa buong bansa.
Ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) y nakapagtala ng 9,111 mga kaso; mayroon namang 7,551 kaso sa National Capital Region ; at Central Luzon na may 7,362 kaso.
Idinagdag ng DOH na 17 local government units mula sa nasabing mga rehiyon ay idineklarang dengue hotspots. Jocelyn Tabangcura-Domenden