MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumambiyo palayo mula sa transportation system na nakasentro sa pribadong sasakyan.
Inamin ni Department of Transportation (DOTr) chief Vivencio “Vince” Dizon na ang kasalukuyang transportation system sa bansa ay masyadong “car-centric.”
“Absolutely, it’s true. In the past the solution to traffic has always been building roads, the problem with building roads, building roads attracts more cars. That’s just how it is,” ayon kay Dizon.
“‘Build wider streets, and of course, buying cars is also a function of the development of our fellow countrymen, so we have to veer away from that and I think we are veering away from that and that is what the President wants,” aniya pa rin.
Ani Dizon, ang paglikha ng mga bagong lansangan ay hindi “ultimate solution,” kundi isang “high-capacity mass transit” at gagawin ang mga lungsod na mas kaaya-aya sa paglalakad.
“We just have to think out of the box and find ways—like the [Edsa Greenways] that’s one innovative way of helping our commuting public who want to walk,” ayon kay Dizon, tinukoy ang proyekto na inanunsyo noong 2024 na naglalayong gawing maayos ang pedestrian environment sa Edsa.
Samantala, nang tanungin naman kung bukas siya na magpanukala ng schemes gaya ng ‘four-day work days, congestion fees, o ang pagsasara ng ilang lansangan para sa mga pribadong sasakyan, negatibo naman ang naging tugon ni Dizon.
Ang paliwanag ni Dizon, maliban sa katotohanan na hindi niya saklaw ang magpatupad ng ganyang desisyon, ang solusyon aniya sa problema ay kailangan na pag-aralan munang mabuti upang matiyak na mayroon itong positibong epekto sa mga manananakay.
“We’ll just have to find ways. We’ll just have to find ways to balance everything kasi it’s a balancing act eh,” aniya pa rin. Kris Jose