Home METRO P2M marijuana sinunog sa Agusan del Sur

P2M marijuana sinunog sa Agusan del Sur

BUTUAN CITY-UMABOT sa P2 milyon halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad na nasamsam sa isinagawang operasyon noong Miyerkules sa bayan ng La Paz.

Sa isinagawang seremonya, pinangunahan ni Police Regional Office-13 Director Police Brig. Gen. Alan M. Nazarro ang pagsunog sa nakumpiskang marijuana sa Agusan del Sur Police Provincial Office (PPO) in Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur, noong Biyernes.

Sinaksihan din ito nina Agusan del Sur Rep. Adolph Edward “EddieBong” G. Plaza, Rep. Alfelito M. Bascug, Gov. Santiago B. Cane Jr., at La Paz Mayor Michael D. Lim.

Pinuri naman ng mga mataas na opisyal ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng La Paz Municipal Police Station, Agusan del Sur (ADS) Provincial Intelligence Unit, 1st ADS Provincial Mobile Force Company, Cabanglasan MPS, Bukidnon PPO, at Provincial Drug Enforcement Agency ADSPO. Mary Anne Sapico