Home ENTERTAINMENT Eva, binastos ng Famas; Award-giving body, nagsori!

Eva, binastos ng Famas; Award-giving body, nagsori!

Manila, Philippines – Sa halip na mismong ang beteranang aktres na si Eva Darren ay anak niya ang naglabas ng saloobin sa Facebook tungkol sa umano’y pambabastos sa kanyang ina ng pamunuan ng Famas.

Ayon kay Fernando dela Peña, ilang buwan pa lang bago ang ika-72 taon ng Famas awards night nitong May 26 sa Manila Hotel ay nakatanggap na ng imbitasyon ang kanyang ina.

Supposedly, the veteran actress was to present a special citations award alongside Tirso Cruz III.

Excited pa mandin si Eva–na hindi mahilig um-attend ng mga social events.

Taong 1969 pa kasi nang huling um-attend si Eva ng Famas awards night para tanggapin ang kanyang Best Supporting Actress trophy para sa pelikulang Ang Pulubi.

Sa sobra ngang excitement nito, ayon kay Fernando ay bumili pa ito ng damit na isusuot na tinernuhan ng high heels.

Nagpaayos pa daw ng buhok at nagpa-make up ang ina.

Nagbayad din daw ito ng halagang P5,000 para sa per plate dinner.

Ito’y sa kabila ng masungit na panahon dulot ng bagyong Agdon.

Nagulat na lang daw si Eva na isang baguhang singer na ang ipinalit sa kanya bilang kasama ni Tirso.

Humingi naman daw ng paumanhin ang PR girl sa nangyari pero walang dahilan ang ibinigay nito.

Nitong Lunes din ay naabas ng pahayag ang Famas.

Ayon sa kanila, dahil live show ‘yon ay ngarag ang buong production staff.

Kinailangan daw maghanap ng replacement kay Eva na hindi umano nila ma-locate ng mga sandaling ‘yon.

Glit ng Famas, hindi raw “intentional” ang nangyari kundi “misjudgment” at “negligence” sa kanilang side.

Batid din nila na walang silbi ang paghingi nila ng paumanhin kay Eva.

Pero nangako naman sila sa aktres na personal itong bibisitahin ng Famas board “to make amends.”

Mababasa sa comment section ang pagkadismaya ng mga netizens sa ginawang pagtrato sa maituturing na icon ng pelikulang Pilipino. Ronnie Carrasco III