Home NATIONWIDE Recto walang nakikitang interest rate hike ngayong taon

Recto walang nakikitang interest rate hike ngayong taon

MANILA, Philippines – Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto nitong Lunes, Mayo 27 na wala siyang inaasahang pagtaas sa interest rate ngayong taon mula sa kasalukuyang 6.5 percent.

Kasabay ng Philippine Economic Briefing sa Manila, sumang-ayon si Recto sa Bangko Sentral ng Pilipinas na posible ang interest rate cut ngayong taon.

Aniya, ito ay dahil sa posibilidad na bumaba rin ang inflation.

“It seems like inflation is going down it used to be 8.2 percent, it’s down to 3.8 percent, well within the 2 to 4 percent band,” ani Recto.

“So it’s possible that we may have rate cut this year, and possibly more rate cuts next year. I don’t expect interest rates to go any higher,” dagdag pa niya.

Sa huling meeting ng BSP Monetary Board, pinanatili nito ang benchmark target reverse repurchase rate sa 6.5 percent.

Samantala, ang inflation ay naitala sa 3.8 percent noong Abril. Nananatili ito sa 2 hanggang 4 percent na target ng pamahalaan. RNT/JGC