MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules, Nobyembre 20 na nasamsam nila ang mahigit P2 milyong halaga ng illegal na droga sa isinagawang operasyon sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang QCPD Batasan Police Station 6 nitong Martes, sa Commonwealth Avenue sa naturang barangay.
Nagpanggap bilang buyer ang isang pulis at nakabili ng P48,000 halaga ng illegal na droga mula sa suspek.
Kinilala ang suspek na si Lemuel Lucero, 29-anyos kung saan nakuha sa kanya ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.04 milyon.
May nakuha rin dito na 140 gramo ng high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P214,000.
Mahaharap si Lucero sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC