Home NATIONWIDE BARMM gustong hatiin ni Padilla

BARMM gustong hatiin ni Padilla

MANILA, Philippines – Kasabay ng epekto ng pag-aalis ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), naghain ng panukala si Senador Robinhood Padilla na magreresulta pa sa lalong pagkahati ng rehiyon.

Sa kalatas, inihain ni Padilla ang Senate Bill No. 2879 na naglalayong magtatag ng bagong autonomous region na binubuo ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Inihain ito nitong Martes, Nobyembre 19 na layong
“further promote political stability and economic development in the Sulu archipelago … ” ngunit hindi pa nailalabas sa website ng Senado ang kopya ng panukala.

Ani Padilla, ang hakbang “seeks to foster meaningful and effective governance and sustainable development, characterized by respect for culture, traditions and diversity.”

Dagdag pa niya, makatutulong ang paglikha ng “Basulta Autonomous Region” sa paghahatid ng serbisyo sa mga residente ng tatlong probinsya.

Kung maratipikahan ang panukala ni Padilla, dalawa pang probinsya, o ang Basilan at Tawi-Tawi, ang maaalis sa kasalukuyang BARMM dahilan para maging tatlo na lamang ang probinsya ng kasalukuyang autonomous region. RNT/JGC