Home NATIONWIDE P3.7B ginastos sa mga proyekto sa ilegal na reclamation sa Taguig –...

P3.7B ginastos sa mga proyekto sa ilegal na reclamation sa Taguig – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa P3.713 bilyong pondo ng bayan ang maaaring nasayang sa mga proyekto sa mga bahagi ng Laguna Lake sa Taguig City na sumasailalim sa aksyon ng pamahalaan dahil sa “illegal” reclamation, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Lunes.

“WASTED PUBLIC FUNDS DUE TO MISUSE: Based on official records and our investigation, the total cost of Identified completed, ongoing (and suspended) DPWH Flood Control and Multi-Purpose Projects along the ‘illegal’ Laguna Lakeshore Reclamation Areas in Taguig City has so far reached ₱3.713 billion,” ani Lacson sa isang post sa X.

“These do not include other anomalous Slope Protection and Flood Mitigation projects along Taguig river involving double appropriations and ‘ghost’ projects using recycled photographs in different ‘completed’ projects, for billing purposes,” dagdag niya.

Sinabi ni Lacson na kabilang ang mga bagong natuklasan sa mga ebidensyang isusumite niya at ng kanyang staff sa fact-finding team ng Office of the Ombudsman, “for proper disposition.”

Batay sa mga opisyal na rekord at sa imbestigasyon niya at ng kanyang grupo, sinabi ni Lacson na kabilang sa “Top 5” contractors na may hawak sa mga proyektong may halagang P2.372 billion ang:

1) Dahl Construction: ₱858.22 milyon, para sa limang solo projects na nagkakahalaga ng P571.5 milyon at apat na joint venture na may kabuuang P286.7 milyon;

2) J.C. Uyecio: ₱483.1 milyon, para sa apat na joint venture;

3) Toughbuilt: ₱434.2 milyon, para sa tatlong solo projects;

4) Topnotch: ₱329.9 milyon, para sa dalawang joint venture kasama ang Core Check at isa kasama ang Beam Team; at

5. GR Fervidal: ₱266.6 milyon, para sa limang solo multi-purpose building projects.

Ani Lacson, sinuspinde ang lahat na multi-purpose building projects ng GR Fervidal dahil sa “revision of plans” na may kaugnayan sa muling pagsisiyasat sa lupa.

Nauna nang sinabi ni Lacson na ginarantiya sa kanya ni Department of Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na agad maglalabas ang DPWH ng cease-and-desist orders sa mga proyektong konektado sa illegal reclamation sa sandaling matanggap niya ang mga kaukulang request mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA), upang maiwasan ang karagdagang pag-aaksaya ng pondo ng gobyerno sa mga contractor na nagsasagawa ng mga hindi awtorisado o ilegal na aktibidad.

Sinabi naman ni Dizon noong Linggo na nailabas na ng DPWH ang mga cease-and-desist order, alinsunod sa direktiba mula sa Office of the President na ipinadaan sa PRA.

Binanggit rin ni Lacson na sinabi sa kanya at sa kanyang staff ng mga opisyal ng PRA na ang lahat ng unpermitted reclaimed areas sa Taguig City, pag-aari man ng lokal na pamahalaan o ng mga pribadong indibidwal, ay maaaring ma-forfeit pabor sa national government.

Noong Sabado, isiniwalat ni Lacson na hindi bababa sa apat na parsela ng illegally reclaimed land sa Taguig City ang unang natukoy na saklaw ng mga “fraudulently” issued land titles, habang hindi bababa sa apat pang parsela ang walang plotted title lots sa digital file ng Land Registration Authority (LRA).

Ang naturang pagsisiwalat ay ginawa kasunod ng mga pahiwatig na ang mga nauna nang natuklasan ni Lacson hinggil sa mga aktibidad ng illegal reclamation ay “fake news.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here