Home METRO P3.7M gadgets nilimas ng 6 kawatan sa Cavite

P3.7M gadgets nilimas ng 6 kawatan sa Cavite

CAVITE – SWAK sa karsel ang isa sa anim (6) na mga kalalakihan na nanloob sa isang tindahan na nasukol sa isinagawang checkpoint kaugnay sa sunod-sunod na nakawang naganap sa ilang bayan at lungsod ng lalawigan ng Cavite.

Ayon sa nakalap na report mula sa Cavite Provincial Office nadakip ang nasabing suspek ay nadakip sa isinagawang follow up operation ng pulisya matapos na mambiktima ang mga ito ng isang malaking shop ng mga gadget sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite

Base sa impormasyon mula Kay PCol Dwight E Alegre, matapos na pasukin dakong alas-7:25 ng gabi kung saan pinasok ng mga suspek nasabing shop at natangay ang nasa P3,736,433 halaga ng mga mamahaling cellpone at gadget.

Sa isinagawang follow-up ng pulisya, dakong alas ng 5:00 ng madaling araw tinungo ng mga ito ang pinamumugaran ng mga suspek sa Pagtakhan Stall, Agguara St., Baclaran, Paranaque City.

Dito naaresto ang isa sa mga suspek na kinilala sa alyas na Jamaluden, nasa hustong gulang, kasalukuyang residente sa Paranaque City.

Patuloy namang pinaghahanap ang lima pang kasabwat nito na kinilala naman sa mga alyas na Mojib, Ryan, Nuruddin, Oraki at Saanodin na pawang nakatira sa Pasay City. Margie Bautista