MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P300,000 mga ari-arian ang natupok ng apoy sa insidente ng sunog sa residential area sa Sampaloc, Maynila Linggo ng umaga.
Sa imbestigasyon ng MPD-Sampaloc Police Station, bandang 4:29 ng umaga nang magsimula ang sunog sa mga kabahayan sa Barangay 517 Zone 51.
Isa ang iniulat na biktima sa sunog matapos magtamo ng mga paso si Alan Sachez, nasa hustong gulang at residente rin sa nasabing lugar.
Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out 5:17 ng umaga.
Ang mga natupok na mga bahay ay pag-aari umano ni Victor Chong. Jocelyn Tabangcura-Domenden