Home NATIONWIDE P300M badyet sa 3 floodgates sa Bacolod, ibinasura

P300M badyet sa 3 floodgates sa Bacolod, ibinasura

MANILA, Philippines – Ibinasura ang P300 milyong alokasyon para sa konstruksyon ng tatlong floodgate sa Bacolod City, na inisyal na plano sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong taon.

Ani Mayor Albee Benitez, sasabihin niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang isyu.

Iginiit ni Benitez na ang floodgates ay ang pangunahing solusyon sa mga pagbaha sa lungsod.

“I have told the President that this is necessary for flooding solution,” aniya.

Nagpahayag naman umano ng pagnanais ang Pangulo na ibalik ang pondo.

Mismong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ay nais din na maibalik ang pondo.

“Hopefully, this year, the funds will be restored.”

Orihinal na ipinanukala ang pagtatayo ng kabuuang limang floodgate na may pumping stations sa mga pangunahing ilog sa lungsod.

Ang tatlong ilog na lalagyan ng floodgates ay ang Mandalagan, Magsungay, at Lupit. Bawat floodgate ay nagkakahalaga ng P100 milyon.

“Upon hearing the importance of the floodgate project, I think they will try to put it back this year,” ani Benitez. RNT/JGC