Home METRO P30M ‘damo’ binunot, sinunog sa Kalinga, Benguet

P30M ‘damo’ binunot, sinunog sa Kalinga, Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Nadiskubre ng mga awtoridad at winasak ang P30,000,000 halaga ng tanim na marijuana sa dalawang magkahiwalay na plantasyon sa Kalinga at Benguet nitong Miyerkules.

Sinalakay ng joint personnel ng Provincial Drug Enforcement at Intelligence Unit ng Kalinga Provincial Police Office (lead unit) ang plantasyon sa isang communal forest sa Barangay Buscalan kung saan natagpuan ang kabuuang 90,000 fully grown marijuana plants.

Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang ipinagbabawal na halaman na tinatayang nagkakahalaga ng P18,000,000.

Sa Benguet, winasak din ng Kibungan Municipal Police Station, katuwang si Barangay Kagawad Rafael Macanas, ang marijuana plantation sa Sitio Bang-ay, Lebeng, Badeo, Kibungan.

Narekober ng mga operatiba ang apat na bundle ng pinatuyong marijuana stalks na may bigay na 100 kilo.

Nakabalot sa transparent plastic cellophane, tinatayang nagkakahalaga ang marijuana stalks ng P12,000,000. RNT/SA