Home METRO Tulak tiklo sa P1.7M shabu!

Tulak tiklo sa P1.7M shabu!

BACOLOD CITY- Nakumpiska ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang 262 grams ng hinihinalang shabu na angkakahalaga ng P1,781,600 sa Purok Langis, Barangay, Banago sa lungsod nitong Huwebes.

Kinilala ng pulis ang subject na si Malcomb Marshall, 24, ng Barangay Banago. Anang awtoridad,  si Marshall ay isang high-value individual.

Ang pagkakaaresto kay Marshall ang ikalawang sunod na matagumpay na operasyon, at sinabi ni Police Col. Noel Aliño, acting Bacolod police director, na ipagpapatuloy nila ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Nahuli naman ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU)-Western Visayas ang dalawang kalalakihan sa buy-bust na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2.7 milyong shabu sa Barangay 10 sa lungsod nitong Miyerkules. RNT/SA

Previous articleMas matatag na alyansa ng ASEAN-Korea, hiling ni Romualdez
Next articleP30M ‘damo’ binunot, sinunog sa Kalinga, Benguet