Home METRO P33.7-M multa nakolekta ng NCRPO

P33.7-M multa nakolekta ng NCRPO

185
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ₱33.7 milyon ang nakolektang multa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa 119,497 lumabag sa ordinansa sa unang kalahati ng Agosto.

Ayon sa NCRPO, mula Agosto 1 hanggang 15, 43,356 ang pinagmulta, 75,598 ang binalaan o pinalaya, habang 543 naman ang sinampahan ng kaso.

Kabilang sa mga paglabag ang pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, paglalakad nang walang damit pang-itaas, pag-ihi o pagtatapon ng basura sa kalsada, curfew violations ng mga menor de edad, sobrang paggamit ng karaoke, vandalism, road obstructions, at mga traffic violation.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin, layon ng pinaigting na operasyon na magtanim ng disiplina at maiwasan ang krimen.

“Ipinapakita ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng ordinansa ang responsibilidad na pinaghahati ng pulisya at barangay para sa kapayapaan, disiplina, at kaligtasan,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here