Home METRO P34.5M droga isinuko ng mangingisda sa Quezon

P34.5M droga isinuko ng mangingisda sa Quezon

51
0
(Image representation only)

QUEZON, Philippines – Isang mangingisda sa isla ng Patnanungan, Quezon ang kusang sumuko sa pulisya noong Sabado, Mayo 16, matapos i-turn over ang hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng ₱34.5 milyon.

Ayon kay Col. Romulo Albacea, director ng Quezon Police Provincial Office, ang 52-anyos na mangingisda na kinilala lang sa alyas na “Joven” ay dumulog sa himpilan ng pulisya bandang 11:30 a.m. at isinuko ang limang selyadong plastic bags na may lamang puting kristal na substance na hinihinalang droga.

Tinatayang may bigat itong 6,514.7 gramo at may halagang ₱34,528,387 batay sa standard valuation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay “Joven,” natagpuan niya ang mga pakete sa baybayin ng Barangay Busdak noong Pebrero, ngunit hindi malinaw kung bakit inabot ng ilang buwan bago niya ito isinuko.

Sasailalim pa sa laboratory test ang mga nakuhang substance upang matukoy kung ito ay cocaine o shabu.

Matatandaang kamakailan lang ay isa pang mangingisda sa parehong bayan ang nagsuko rin ng hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng ₱16.7 milyon, at binigyan ng ₱100,000 na reward dahil sa kanyang katapatan.

Ayon sa pulisya, mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko dahil sa pagiging vulnerable ng baybayin ng Quezon sa drug trafficking. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here