AMULUNG, Cagayan – Bultu-bultong shabu ang nasamsam ng mga otoridad matapos isilbi ang Search Warrant laban sa isang drug suspek sa Amulung, Cagayan.
Sa ipinarating na ulat ni PCol. Mardito Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO kay PBGen. Antonio Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02, kinilala ang suspek na si alias ‘’Dolphy’’, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Sa bisa ng Search Warrant ng RTC, Branch 5, Tuguegarao City, Cagayan ay hinalughog ng mga pinagsanib na pwersa ng Cagayan Police Provincial Office katuwang ang PDEG, PDEA, RDEU2, 1st PMFC at ng Amulung Police Station
Nakuha sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang apat na pirasong medium size heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at may standard drug price na P340,000.00, isang aluminum foil strip, isang container box, isang pirasong rolled aluminum foil, isang pirasong rolled used aluminum foil, isang plastic straw, isang improvised aluminum tooter, isang pirasong wooden stick, isang improvised needle wrap with aluminum foil, isang paketeng transparent plastic sachet, black cellphone pouch, at pera na nagkakahalaga ng P175,920.00.
Pansamantala nasa pangangalaga ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco