Home NATIONWIDE P35 dagdag-minimum wage sa NCR hindi sapat para sa mga manggagawa

P35 dagdag-minimum wage sa NCR hindi sapat para sa mga manggagawa

MANILA, Philippines – Bagaman isang positibong hakbang ng dagdag na P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw a gastusin mga manggagawa.

Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagppasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer.

Sinabi ni Kavier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapapanatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo.

Masm ainam din aniya kung magkakaroon ng regular at napapanahong pagsusuri at pagdagdag sa minimum wage rates.

Pero maliban sa wage increase sinabi ng Trabaho Partylist na marami pang hakbang na kailangang gawin ng gobyerno para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Kamakailan sinabi ng Trabaho Partylist na hindi dapat nakadepende lamang sa dagdag sahod para matugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Kinakailangan na madagdagan at mapabuti pa ang mga non-wage benefits, kagaya ng health insurance, pagbibigay ng regular na training at job upskilling, at pagpapalawig ng paid leaves at flexible working arrangements para sa mga manggagawang higit na nangangailangan nito. RNT