Home METRO P387M tobats nasabat sa Liloan Port

P387M tobats nasabat sa Liloan Port

TACLOBAN CITY- Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P387 milyon sa Liloan Port sa Liloan, Southern Leyte nitong Biyernes.

Nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency VIII-Seaport Interdiction Unit-Southern Leyte ang kontrabando sa inspeksyon ng sasakyan na dumating mula Surigao City sakay ng isang fast craft. 

Natuklasan ang 57 teabags ng shabu na may kabuuang timbang na 57 kilo at nagkakahalaga ng P387.6 milyon. RNT/SA