MANILA, Philippines- Bibisita ang delegasyon mula sa French nuclear industry sa susunod na linggo upang makipagpulong sa public at private sector leaders sa Pilipinas, ayon sa French Embassy sa Manila nitong Biyernes.
Nasa bansa ang delegasyon mula Nobyembre 12 hanggang 15 at makikilahok sa Philippine International Nuclear Supply Chain Forum na ioorganisa ng Department of Energy (DOE) sa Quezon City.
Binubuo ang grupo ng mga kinatawan mula sa French nuclear industry main player, kabilang ang Electricité de France (EDF), pinakamalaking electricity production at distribution company ng Europe; Commissariat à l’énergie atomique et aux énergies alternatives (CEA), isang nuclear technology research and development organization; at ang Institute for Radiation Protection and Nuclear Safety (IRSN).
Makikibahagi rin ang French National Agency for Radioactive Waste Management (ANDRA).
Sa forum, sinabi ng embahada na ipiprisinta ng delegasyon ang mga pangunahing katangian na na nagpapaiba sa French nuclear industry.
Pinakamataas sa mundo ang nuclear power share ng electricity mix ng France (72 percent with 62 GWe). RNT/SA